Friday, January 9, 2015

Buod

Si Rostam ay nakatira sa Iran. Siya ay isang bayani at siya ay paborito ni Kaykavous. Isang araw, habang hinahanap niya ang kanyang kabayo, pumasok siya sa isang kaharian sa Samangan at siya ay naging bisita ng hari sa kalagitnaan nang paghahanap niya sa kanyang paboritong kabayo. doon, nakilala niya si Tahmina. Gusto niyasi Rostam at kilala niya si Rostam dahil sa mga ginawa niya. Nag karoon sila nang kasunduan na kung bibigyan ni Rostam si Tahmina ng anak, at ang kapalit noon ay ibabalik sakanya ang kanyang kabayo. pumayag si Rostam at siya ay umalis na kasama ng kanyang kabayo pero bago siya umalis ay binigyan niya si Tahmina ng dalawang alahas. Kapag ang anak nla ay babae, isasabit ito sa kanyang buhok habang pag ito naman ay lalake. 9 na buwan na ang nakakalipas, lalake ang naging anak nilang dalawa at  binigyan ni Tahmina ng pangalan na Sohrab ang bata. 


Matapos ng ilang taon nagkita ang dalawa sa isang digmaan. sa mata ng isa't isa, sila ay magkalaban. Sa Turan kung saan nakatira si Sohrab, siya ay isang magaling na mandirigma habang sa Persya naman, si Rostam ang nananaig. sila ay nag tunggali. Sa sobrang tagal nang laban nila, umabot ito ng isang araw. Sa kadulu-duluhan, nararamdaman na ni Rostam ang pagod niya kaya kumuha siya ng patalim at sinaksak niya si Sohrab. Nalaman ni Rostam na anak niya pala nito dahil sa palatandaan na pinagkasunduan nila ni Tahmina pero huli na ang lahat. Nadatnan nalang ni Tahmina na patay na ang kanyang anak sa mga kamay ng kanyang sariling ama na nag duduksa.




Sina Rostam at Sohrab

No comments:

Post a Comment