Friday, January 9, 2015

Introduksyon

   Ang istoryang ito na mula sa Shahaname na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki.

       Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw na rin niyang ipaalam kung sino sya.


        May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagamat nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa paning naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap ang ideyang iyon.


       At sa wakas, nagharap ang mag-ama sa gitna ng labanan. Ang una nilang paglalaban ay tumagal nang buong araw at natapos nang maggagabi na. Nang magbukangliwayway, ay muli na naman silang naglaban at sa pagkakataong ito halos na nanalo si Sohrab, dahil nagkunwari si Rostam. Nagharap ang dalawang bayani para sa pinal na paglalaban.


Kapaligirang Pangkasaysayan





Isang pahina ng Shahaname






Ang Shahaname oh mas kilala sa "Shahnameh" ay isinulat ni Hakim Abul-Qasim Mansur o mas kilala sa pangalan na Ferdowsi Tusi. sinimulan niya itong sulatin sa gitna ng 977 CE at 1010 CE. Sinasabing natapos niya ito pagkatapos ng 30 na taon na may 100,000 na linya.



Mayroong tatlong parte ang epiko na to: ang pag ungos ng Persya, ang istorya ng digmaang Rostam at Sohrab at ang mga hari na namuno dito. Masasabi na ito ay isa sa mga pambansang libro ng Iran. malaki din ang epekto nito sa rilihiyon nilang Zoastranismo

Isa sa mga istatwa ni Ferdowsi


Ang ibig sabihin ng Ferdowsi ay "mula sa paraiso". Ito ay nanggaling sa mga salitang "Ferdous". Ang kanyang apelidong "Tusi" naman ay "Mula sa Tus."





Sources:http://www.heritageinstitute.com/zoroastrianism/shahnameh/

Buod

Si Rostam ay nakatira sa Iran. Siya ay isang bayani at siya ay paborito ni Kaykavous. Isang araw, habang hinahanap niya ang kanyang kabayo, pumasok siya sa isang kaharian sa Samangan at siya ay naging bisita ng hari sa kalagitnaan nang paghahanap niya sa kanyang paboritong kabayo. doon, nakilala niya si Tahmina. Gusto niyasi Rostam at kilala niya si Rostam dahil sa mga ginawa niya. Nag karoon sila nang kasunduan na kung bibigyan ni Rostam si Tahmina ng anak, at ang kapalit noon ay ibabalik sakanya ang kanyang kabayo. pumayag si Rostam at siya ay umalis na kasama ng kanyang kabayo pero bago siya umalis ay binigyan niya si Tahmina ng dalawang alahas. Kapag ang anak nla ay babae, isasabit ito sa kanyang buhok habang pag ito naman ay lalake. 9 na buwan na ang nakakalipas, lalake ang naging anak nilang dalawa at  binigyan ni Tahmina ng pangalan na Sohrab ang bata. 


Matapos ng ilang taon nagkita ang dalawa sa isang digmaan. sa mata ng isa't isa, sila ay magkalaban. Sa Turan kung saan nakatira si Sohrab, siya ay isang magaling na mandirigma habang sa Persya naman, si Rostam ang nananaig. sila ay nag tunggali. Sa sobrang tagal nang laban nila, umabot ito ng isang araw. Sa kadulu-duluhan, nararamdaman na ni Rostam ang pagod niya kaya kumuha siya ng patalim at sinaksak niya si Sohrab. Nalaman ni Rostam na anak niya pala nito dahil sa palatandaan na pinagkasunduan nila ni Tahmina pero huli na ang lahat. Nadatnan nalang ni Tahmina na patay na ang kanyang anak sa mga kamay ng kanyang sariling ama na nag duduksa.




Sina Rostam at Sohrab

Wednesday, January 7, 2015

Refleksyon

Pagkatapos ko itong basahin, napagtanto ko na palagi ka talagang sosorpresahin ng digmaan. hindi mo na pala alam, kadugo mo na pala ang kalaban mo. Isa sa mga natutunan ko ay ang pagkikilala sa sarili. Sa istorya, hindi alam ni Rostam na anak niya si Sohrab. nalaman niya ito noong huli na ang lahat. nung napatay niya ang kanyang anak.